Home NATIONWIDE DepEd nalugod sa pagtatalaga kay Sonny Angara bilang bagong kalihim

DepEd nalugod sa pagtatalaga kay Sonny Angara bilang bagong kalihim

MANILA, Philippines- Ikinalugod ng Department of Education (DepEd) nitong Martes ang pagpangalan kay Senator Sonny Angara bilang bago nitong kalihim.

“The DepEd community looks forward to working with the new leadership as we continue our relentless pursuit towards improving the quality of Basic Education in the country,” pahayag ng DepEd.

Kasunod ito ng pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) na nakatakdang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Angara sa pwesto.

Nangako naman si Angara na makikipagtulungan siya sa lahat ng sektor ng lipunan upang matiyak na may access lahat ng mag-aaral na Pinoy sa de-kalidad na edukasyon.

Makikipagtulungan din umano siya kay Vice President Sara Duterte, na nagbitiw sa kanyang pwesto noong Hunyo 19. 

Epektibo naman ang kanyang resignation sa Hulyo 19. RNT/SA