Home NATIONWIDE Desisyon sa SOCE ni Sen. Marcoleta ilalabas sa Miyerkules – Comelec

Desisyon sa SOCE ni Sen. Marcoleta ilalabas sa Miyerkules – Comelec

202
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, maglalabas ang komisyon ng desisyon sa kaso ni Senador Rodante Marcoleta hinggil sa kanyang May 2025 statement of contributions and expenditures (SOCE) sa darating na Miyerkules.

“Medyo mainit ang aming balitaktakan diyan sa en banc. Ngayong Miyerkules, asahan na magkakaroon ng desisyon ang komisyon,” ani Garcia.

Naunang sinabi ng Comelec na nahihirapan silang lutasin ang kaso matapos irefer ng Office of the Ombudsman ang kaugnay na reklamo, na kumukwestyon sa parehong SOCE at statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) ng mambabatas.

Batay sa SOCE ni Marcoleta, gumastos siya ng P139.9 milyon sa kanyang 2025 senatorial campaign, higit nang malaki kaysa sa kanyang deklaradong SALN na P51,965,559, at nagdeklara ng zero donations.

“Inaalam pa namin kung ‘yung issues na na-raise ay parehas na parehas dun sa aming iniimbestigahan,” dagdag pa ni Garcia.

Inamin ni Marcoleta na hindi niya idineklara ang mga kontribusyong natanggap niya para sa eleksyon dahil hinihingi umano ng kanyang mga donor na manatiling anonymous. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here