PAMPANGA, Philippines – Labing isang (11) Chinese Nationals ang naaresto habang tinatayang aabot sa halagang P19.5 Hazardous Materials (Mabagsik na Kemikal at materyal) ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang warehouse sa Barangay Dela Paz, San Simon.
Sa ulat, nadiskubre ang lugar na isang umanong illegal recycling facility ng mga lumang automotive batteries kung saan dito ine-extract ang lead content ng mga baterya na posibleng makapagdulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao at sa kapaligiran.
Sa bisa ng Search Warrant mula sa Korte, sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing pasilidad.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang (2) battery crasher, limanng (5) Forklift, Furnace o pugon, mga sirang baterya ng sasakyan at e-bike, metal molds, coal at 8,950 Kilogram ng finished lead products.
Ang mga naarestong Chinese National ang hinihinalang nagpapatakbo umano sa iligal na recycling facility.
Mahaharap ang mga nadakip na dayuhan sa kasong paglabag sa Republic Act 6969 o Toxic Subic Substances and Nuclear Waste Control Act of 1990. (ROEL TARAYAO)