Home HOME BANNER STORY ‘Destab plot’ vlog binubusisi ng AFP

‘Destab plot’ vlog binubusisi ng AFP

MANILA, Philippines- Inaaral pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng aksyon laban sa retiradong army general na iniugnay ang pinuno nito sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa mga source sa AFP, bagama’t nais nilang dumistansya sa mga pahayag ni Johnny Lacsamana Macanas, maaari pa ring magdesisyon ang organisasyon na kasuhan ang retiradong opisyal.

Ito at matapos maghain ng reklamo ni Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. laban kay Macanas dahil sa nasabing vlog, kung saan sinabing binawi nina Acorda at AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanilang suporta kay Marcos.

Ini-upload ni Macanas, retiradong army brigadier general, ang video sa kanyang YouTube Page “The General’s Opinion.”

Inisyal na may titulo ang video na “Good News! AFP PNP Generals convincing PBBM to resign?” Subalit pinalitan ito ng: “Dumarami [ang] tao convincing PBBM to do [the] right thing?”

Orihinal ding tampok dito ang mga lawaran ng AFP at PNP officials kasama si Marcos.

Hanggang nitong Martes ng hapon, umabot na sa mahigit 100,000 ang views ng nasabing video.

“It hurts me that there are people na gusto lang maging sikat ‘yung kanilang vlog ay gagawa ng mga disinformation [who will sow disinformation just to make their vlogs go viral],” wika ni Acorda nitong Lunes,

Nag-post muli si Macanas ng panibagong video nitong Martes,  na umano’y tugon sa reklamo ni Acorda.

Aniya, siya ay “slightly alarmed” kasunod ng aksyon ng PNP.

“But it is an expected risk sa pinasok kong trabaho as a political vlogger,” pahayag niya.

Humingi ng panalangin si Macanas maging financial aid mula sa kanyang viewers, at sinabing ang sitwasyon ay tila kwento nina “David and Goliath” sa pagharap niya sa high-ranking official.

“This is a long battle,” giit niya. RNT/SA

Previous articleKapistahan ng Itim na Nazareno ipinagdiwang din sa Northern Samar, Tacloban City
Next articleDruglord tumakas sa kulungan; state of emergency idineklara