LEBANON – Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Oktubre 17 ang mga aksyon na naglagay sa panganib sa buhay ng United Nations Peacekeepers dahil sa mga strike ng Israel sa Lebanon.
Matatandaan na limang tauhan ng UN na nakaposisyon sa “Blue Line” ang nasugatan dahil sa strike.
Wala namang binanggit na eksaktong bansa ang DFA ngunit sinabi sa pahayag na tinutukoy nito ay ang “the status of the United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL).”
“The Philippines strongly condemns any action that endangers the safety and security of UN Peacekeepers as they fulfill their mandate in accordance with the Charter of the United Nations,” saad sa pahayag ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza.
“We urge all UN Member States to uphold their obligations under international law and ensure that peacekeepers are permitted to carry out their critical work. Violations of peacekeeping mandates undermine the rules-based international order and destabilize regions where peace efforts are most needed.”
Sinabi ng DFA na nananatiling committed ang ahensya sa multilateral cooperation sa promosyon ng international peace at security. RNT/JGC