Home HOME BANNER STORY Diesel posibleng pumalo sa P114 kada litro – DOE

Diesel posibleng pumalo sa P114 kada litro – DOE

167
0

MANILA, Philippines – Posibleng pumalo ng hanggang P114 kada litro ang presyo ng diesel ngayong linggo.

Kasabay nito ay pumayag naman ang mga kompanya ng langis na hati-hatiin ulit ang big time fuel price hike ngayong linggo sa maliliit na hike araw-araw.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, kapwa pumayag ang Petron, Shell at Flying V have sa ‘staggered’ increases sa loob ng tatlong araw mula Marso 17 hanggang 19; habang ang Seaoil at Total ay magpapatupad ng price hike sa loob ng dalawang araw mula Marso 17 hanggang 18.

“All these five companies have committed to the staggering and the office of Dir. Rino [Abad] is still working on the other companies kasi we’re waiting for their submissions today,” ani Garin.

Sinabi pa niya na ang DOE ay inabisuhan ng oil firms na ang presyo ng diesel ay tataas ng P20.40-P23.90 kada litro ngayong linggo habang ang gasolina ay tataas ng P12.90-P16.60 kada litro simula ngayong araw, Marso 17.

Samantala, ang presyo ng kerosene ay tataas ng P6.90-P8.90/liter.

Sa oras na maipatupad ang lahat ng tranche ngayong linggo, ang presyo ng diesel ay maglalaro na sa P94 hanggang P114/liter sa Metro Manila at ang gasolina naman ay nasa P76 hanggang P96/liter.

Ani Garin, pinag-aaralan na ng pamahalaan ang iba pang option ng government-to-government transactions sa China at Russia kasama ang iba pang bansa.

Sa kabila nito ay sinabi ng DOE na walang dapat ikabahala dahil nananatiling sapat ang suplay ng langis hanggang sa katapusan ng Abril. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here