Home ENTERTAINMENT Dimples, humingi ng acting tips kay Iza!

Dimples, humingi ng acting tips kay Iza!

Manila, Philippines- Palabas na ang unang pagbibida na magkasama sa big screen nina Iza Calzado at Dimples Romana, ang “The Caretakers,” sa direkyon ni Shugo Praico.

Kita sa movie ang magadang working relationship nina Iza at Dimples. Parehong mahusay sa kani-kanilang roles at walang nagsapawan.

Pahayag ni Dimples, “Sabi siguro ni Lord, ‘Ay, pagtagpuin ko kayo ni Iza. Kasi wala kang time makipag-kaibigan ngayon di ba?

“So, ilagay ko yung pwede mong maging kaibigan sa trabaho para masaya, oo.’

“So sabi ko, ‘Ay, ang ganda, Lord. Thank you Lord para sa regalo na makasama ko si Iza.'”

Very humble na inamin ni Dimples ang paghingi niya ng tips kay Iza on acting.

At kahit patulog na si Dimples sa set ay pinapanood pa rin niya si Iza na umaakting.

Kwento ni Dimples, “Tama si Iza when she said na kailangan gagabayan mo ang artista kasi minsan hindi mo alam kung gusto ba niyang mag-shine ngayon. Or gusto ba niyang magbigay?

“Ako naman marespeto ako sa ganoon kasi lumaki ako sa mga beterana. Kaya alam ko magbigay. Yan ang pinakamagaling ako sa totoo lang, ang magbigay.

“Yun ang gift ko kasi I don’t know anything else. I grew up in this business giving and when you grow-up to be a support character you always remind yourself to know your place.

“This is where I am at. And being a support doesn’t mean you’re on the sideline. You hold up those who are supposed to shine at that moment.

“And then, you wait for your moment to come. For me the biggest gift of this film is that Iza and I work as a team. Nobody wanted to outshine one another and that’s why and that’s what you can see on the film. Makikita mo, eh.

“Kaya nu’ng tiningnan ko, ang ganda. Ang sarap magsayaw pag ang kasayaw mo hindi nananapak ng paa.”

Kaya para kay Dimples nadagdagan sya ng bagong kaibigan or bff sa showbiz sa katauhan ni Iza.

Hindi naman lingid sa marami na super mag-bff sina Dimples, Angel Locsin at Bea Alonzo. Julie Bonifacio