MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na yakapin ang disiplina, malasakit, at sama-samang pananagutan sa pagsalubong ng Bagong Taon 2026.
Sa kanyang New Year message, sinabi ng Pangulo na ang bagong taon ay pagkakataon upang pagnilayan ang mga aral ng nakaraan at humarap sa hinaharap na may panibagong layunin.
“I join Filipinos all over the world as we welcome the New Year 2026,” ani Marcos. “The coming of another year is always a moment for reflection and renewal.”
Hinimok niya ang publiko na lumampas sa pansariling resolusyon at pag-isipan kung paano naaapektuhan ng mga kilos ng bawat isa ang kinabukasan ng bansa.
“As we step into 2026, I therefore call on every Filipino to embrace the year with discipline, confidence, and a shared commitment to our nation’s progress,” sinabi niya. “For beyond personal resolutions, the new year calls on us to examine how we live with one another, how we lift one another, and how our choices shape our nation.”
Binigyang-diin ng Pangulo na ang tunay na pag-unlad ay nakaugat sa sama-samang pagpapahalaga.
“A society thrives when its people choose empathy over indifference, service over self-interest, and hope over despair,” ani Marcos.
Muli rin niyang iginiit ang paninindigan ng gobyerno na itaguyod ang mga repormang nakabatay sa pagkakaisa at malasakit.
“It is thus our commitment in the government to be relentless in pursuing a Bagong Pilipinas that nurtures unity, fosters compassion, and showcases the greatness of our kababayans,” aniya.
Ayon pa sa Pangulo, ang kinabukasan ng bansa ay dapat hubugin ng sama-samang layunin ng mamamayan, hindi ng pagkakataon lamang.
“As we step into the unfolding days ahead, may we move forward with a clearer understanding of our role in each other’s lives and a renewed commitment to building a future shaped not by circumstance alone, but by the strength of our will and the clarity of our collective purpose,” pagtatapos niya. RNT/MND