Home METRO Nazareno dadalhin sa 15 barangay sa Quiapo bago Pista

Nazareno dadalhin sa 15 barangay sa Quiapo bago Pista

295
0

MANILA, Philippines – Dadalhin ang imahe ng Jesus Nazareno sa 15 barangay sa paligid ng Quiapo sa loob ng anim na araw simula Huwebes, bilang paghahanda sa taunang kapistahan.

Sa isang social media post noong Miyerkules, inanunsiyo ng Quiapo Church ang iskedyul ng Barangay Visitation 2026, na gaganapin mula Enero 1 hanggang 6.

Bahagi ito ng taunang mga gawain ng simbahan bago ang kapistahan ng Jesus Nazareno sa Enero 9.

“This is the visit of the image of Jesus Nazareno to the communities under the pastoral care of the Quiapo Church, also known as the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno,” ayon sa simbahan.

Magsisimula ang pagbisita sa Araw ng Bagong Taon, kung saan unang pupuntahan ang Barangay 309 matapos ang isang prusisyon alas-2 ng hapon.

Sa Enero 2, dadalhin ang imahe sa Barangays 308, 306, 307, at 385, kung saan magkakaroon ng overnight vigil.

Nakatakdang tumanggap ng imahe ang Barangays 387, 383, 388, 385, at 386 sa Enero 3.

Sa Enero 4, bibisita ang imahe sa Barangays 390, 389, at 392. Isasagawa naman ang overnight vigil sa Barangays 391 at 394 sa Enero 5.

Sa huling araw, Enero 6, dadalhin ang imahe sa Barangays 393 at 394 bago ito ibalik sa Quiapo Church sa pamamagitan ng isang panghuling prusisyon.

Karaniwang dinarayo ng milyun-milyong deboto ang taunang kapistahan. Tampok sa selebrasyon ang Traslacion, ang tradisyunal na prusisyon ng imahe mula Quirino Grandstand sa Luneta patungo sa Minor Basilica of Jesus Nazareno sa Quezon Boulevard sa araw ng pista. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here