Home ENTERTAINMENT Diwata, kinilig kay Marvin!

Diwata, kinilig kay Marvin!

Manila, Philippines – Nag-viral ang isang video na na-upload sa YouTube channel ng isang nagngangalang “SALOMO21”.

Sa nasabing clip, makikitang nakikipag-usap ang online personality at owner ng paresan na si Diwata kay Marvin Agustin sa phone.

Buong akala ng iba ay humihingi ng tips si Diwata sa pagnenegosyo sa actor turned successful entrepreneur.

Pero iba ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap.

Kilig na kilig si Diwata habang tsinitsika si Marvin tungkol sa possible meet-up nila.

“Ano pong pag-uusapan natin? Sayang, pagkakataon ko na sana maka-kissing scene ka!” sey ni Diwata.

Kinakiligan naman ito ng mga taong nagpapa-picture sa kanya.

Pero naudlot ang  pag-uusap ng dalawa dahil mahina ang signal sa kinarooonan ni Diwata.

Samantala, sa nasabing video, sinabi rin ng social media sensation na bagama’t gusto niyang tanggapin ang mga nag-aapply sa kanya na maging empleyado sa kanyang paresan, hindi na raw posible iyon sa kasalukuyan.

Hindi na raw kasi siya  tumatanggap dahil wala raw siyang maipapasuweldo sa mga ito.

Masyado na raw kasing marami ang kanyang staff kaya hindi muna siya tumatanggap ng aplikante. Archie Liao