Home NATIONWIDE Ex-officials na sangkot sa ‘gentlemen deal’ sa Tsina dapat ikulong – solon

Ex-officials na sangkot sa ‘gentlemen deal’ sa Tsina dapat ikulong – solon

MANILA – Ipinananagot ng isang solon ang mga dating opisyal ng gobyerno sa likod ng umano’y “gentlemen’s agreement” sa China kung mapatunayang totoo ang sinasabing secret deal.

“Pagka talaga natukoy na natin kung sino talaga ‘yung behind, ‘yung mga taong behind this so-called gentleman’s agreement, we should hold all of them accountable. We should put them in jail,” ani Taguig City 2nd District Rep. Amparo Maria Zamora sa isang press conference.

Itinanggi ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at ng Defense department na dumalo sa pagdinig ang pagkakaroon ng gentlemen agreement.

Sinabi ni Zambales 1st District Rep. Jefferson Khonghun, may-akda ng resolusyon na nanawagan para sa pagsisiyasat, na kailangang malaman ang katotohanan.

“Nakaka-apekto rin ito sa administrasyon ng ating Pangulong Bongbong Marcos. Bilang Kongreso, ang komite ay may oversight functions kaya kailangan talaga silang pumunta. Gagawin lahat ng mga komite upang mag-attend ‘yung inimbitahan na mag-attend,” aniya pa. RNT