Home METRO P.5M ecstasy nasabat sa Batangas

P.5M ecstasy nasabat sa Batangas

LIPA CITY, Batangas – Mahigit P500,000 halaga ng hinihinalang Ecstasy tablets ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4-A Special Enforcement Team sa isang vendor sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Marawoy, nitong lungsod, noong Linggo ng gabi, Mayo 19.

Kinilala ng PDEA ang suspek na si Raihana Basheron, 31, residente ng Barangay General Luna, Dinalupihan, Bataan.

Nakuha sa suspek, na tinaguriang high-value drug personality, ang 299 Ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P508,300 at ang buy-bust money.

Ang PDEA ay suportado ng PDEA-Batangas Provincial Office at Lipa City Police Station.

Nahaharap sa kasong pagbebenta ng droga si Basheron. RNT