Home HOME BANNER STORY DOH: Monkeypox ‘di airborne

DOH: Monkeypox ‘di airborne

MANILA, Philippines- Nilinaw ng Department of Health na ang monkeypox (mpox) ay nakukuha sa pamamagitan ng matagal na skin-to-skin contact, at hindi ito airborne.

Noong Biyernes, naglabas ang DOH ng pansamantalang alituntunin para sa pag-iwas, pagtuklas, at pamamahala ng monkeypox.

Kabilang sa alituntunin ang pagpapanatili ng hygiene, pag-disinfect ng mga gamit, pagsusuot ng karagdagang layer ng proteksyon tulad ng long sleeves o jackets at pag-iwas sa posibleng kontaminadong hayop gaya ng unggoy.

Inatasan ang mga healthcare provider na ipaalam sa DOH ang mga pinaghihinalaang o kumpirmadong kaso ng mpox sa loob ng 24 oras, habang ang mga posibleng close contact ay inaatasan na subaybayan ang mga posibleng sintomas sa loob ng 21 araw pagkatapos ng huling kontak.

Samantala, ang mga inbound at outbound na manlalakbay ay inaatasan din na mag-ulat ng mga pantal o paltos na lumalabas sa loob ng 30 araw sa pamamagitan ng mga travel form bago ang kanilang biyahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden