Home NATIONWIDE LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng VisMin

LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng VisMin

MANILA, Philippines- Magdudulot ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Butuan City, Agusan del Norte nag maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Ang LPA ay tinatayang 695 kilometro sa silangan ng Butuan City hanggang kaninang alas-3 ng madaling araw.

Makararanas ang Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Central Visayas, Lanao del Sur, Maguindanao, Leyte, Southern Leyte, at Eastern Samar ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa LPA.

“Mataas ang tsansa na ito ay magiging bagyo within the next 24 hours,” pahayag ni PAGASA weather specialist Grace Castañeda sa isang panayam.

Samantala, magdudulot naman ang Southwest Monsoon o Habagat ng maulap na kalangitan ng may kalat na pag-ulan sa western sections ng Southern Luzon at Visayas.

Nakaamba sa Palawan at natitirang bahagi ng Mindanao ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon.

Makararanas ang Western Visayas, Negros Island Region, at Occidental Mindoro ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil pa rin sa Southwest Monsoon.

Nagbabadya naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay light to moderate patungong southwest to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Iiral sa Mindanao ang light to moderate wind speed patungong southwest to west direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-5:44 ng umaga at lulubog ng alas-6:09 ng hapon. RNT/SA