MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month, pinaalalahanan ng Department of Health ang mga kababaihan na gawin ang regular na pagpapatingin sa doktor.
Ayon sa DOH, mahalaga ang regular check-up at early cancer screening upang maagapan ang iba’t ibang uri ng cancer na karaniwang tumatama sa kababaihan.
Kabilang dito ang breast cancer, cervical cancer, colorectal cancer, lung cancer, ovarian cancer at endometrial cancer.
Binigyang-diin ng DOH na sa pamamagitan ng maagang pagsusuri ay mas tumataas ang posibilidad na maagapan at magamot ang sakit.
Samantala, ibinahagi naman ng unang babaeng DOH Secretary na si Dr. Carmencita ‘Chit” Reodica ang laban para sa mga kababaihan.
Dati pa aniya ay ipinaglalaban na umano ng mga kababaihan ang karapatan nitong respeto at magkaroon ng sariling desisyon para sa kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden