MANILA, Philippines – Naglabas ng code white alert ang Department of Health (DOH) para sa Labor Day, na magiging epektibo hanggang Mayo 2, bilang paghahanda sa mga insidenteng pangkalusugan na maaaring mangyari sa araw ng holiday.
Ibig sabihin nito, mag-a-activate ang mga ospital ng kanilang operations centers, pagpapabilis ng sistema ng triage, at titiyak na may sapat na supply ng mga gamot, x-ray plates, at laboratory requirements.
Magkakaroon din ng dagdag na doktor at nars sa mga ospital upang magbigay ng karagdagang serbisyong medikal.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ang DOH ay naka-standby ayon sa kautusan ni Pangulong Marcos upang tiyakin ang kalusugan ng bawat mamamayan sa panahon ng Labor Day. RNT