Home NATIONWIDE Torre, 9 CIDG official inireklamo ng illegal detention gamit ‘photocopied’ red notice

Torre, 9 CIDG official inireklamo ng illegal detention gamit ‘photocopied’ red notice

MANILA, Philippines – Inireklamo si CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III at siyam na opisyal ng CIDG sa kasong illegal detention matapos nilang umanoy ikulong ang negosyanteng si Rotchelle Calle ng anim na araw batay sa “photocopied” na red notice mula sa Interpol.

Hindi dumalo sina Torre at kapwa akusado sa itinakdang preliminary investigation ng Makati prosecutor’s office noong Abril 21 at 28.

Naghain ng reklamo si Calle laban sa kanila para sa ilegal na pag-aresto at arbitraryong pagkakakulong pagkatapos siyang ikulong mula Nobyembre 21 hanggang 27, 2024.

Ang mga kasong ito ay kaugnay ng isang kasong ‘fraud’ na isinampa laban sa kanya ng kanyang dating kasosyo sa negosyo mula sa UAE.

Ayon kay Calle, inalok siya ng CIDG personnel na hindi dadalhin sa Bureau of Immigration kung magbibigay siya ng “Christmas gift,” na tinanggihan niya.

Makalipas ang dalawang araw ay inaresto siya sa Makati City Hall at ikinulong sa CIDG headquarters.

Hiniling ng Public Attorney’s Office na palayain siya dahil wala siyang nakitang wastong warrant ng aresto. RNT