Home NATIONWIDE DOH: Patay sa dengue ngayong 2025 sumampa na sa 21

DOH: Patay sa dengue ngayong 2025 sumampa na sa 21

MANILA, Philippines- Dalawampu’t isang tao na ang naiulat na namatay dahil sa dengue ngayong 2025, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Sinabi ng DOH na mula Enero 1 hanggang 18, 2025, mayroong 10,842 kaso ng dengue ang naitala sa bansa, na mas mababa ng 8% kumpara sa 11,781 kaso na naitala sa parehong panahon noong 2024.

Ang 21 na nasawi sa unang kalahati ng Enero 2025 ay 50% na mas mababa kaysa sa 42 na namatay noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, ang mga numero ay maaari pang magbago dahil sa late consultations at reports.

Ang mga sintomas ng dengue ay lagnat, severe headache, muscle at joint pains, nausea at rashes.

Karamihan ay nakakrranas din ng pananakit sa bahagi ng mata, pagsusuka at namamagang glandula.

Ang mga sintomas na ito ay nagsisimula apat hanggang 10 araw pagkatapos ng pagkakalantad mula sa kagat ng lamok.

Sinabi ng DOH na karamihan sa mga nahawahan ay gagaling sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Pinaalalahanan din ng Health department ang publiko na isagawa ang 4S strategy laban sa dengue–  “Search and destroy breeding places; Secure self-protection; Seek early consultation; and Support fogging or spraying in hotspot areas” lalo na sa panahon ng tag-ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden