Home NATIONWIDE DOJ handa sakaling umapela si Roque sa kanselasyon ng pasaporte

DOJ handa sakaling umapela si Roque sa kanselasyon ng pasaporte

235
0

MANILA, Philippines – Sakaling umapela si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa Pasig City Regional Trial Court kaugnay sa pagkansela sa kanyang pasaporte ay handa ang Department of Justice na maghain ng komento at oposisyon.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, para mabawi ni Roque ang pagkansela ng kanyang pasaporte, maaari niya itong gawin pero inaalam pa kung natanggap na ng panel ang nasabing motion for reconsideration.

Una nang nilinaw ng DOJ na bagama’t maaari pang magsumite ng motion for reconsideration si Roque, hindi nito awtomatikong sinususpinde ang bisa ng utos ng korte na ipawalang-bisa ang kanyang pasaporte.

Tumanggi namang magkomento si Fadullon sa pahayag ni Roque na wala ang kanyang pangalan sa red notice list ng Interpol matapos umanong mabigo ang Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here