MANILA, Philippines – Taliwas sa nakalap na impormasyon ni Senador Risa Hontiveros, pinanindigan ng Department of Justice (DOJ) na nananatiling nasa Pilipinas ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na walang report sa Manila ang Bureau of Immigration patungkol sa pag-alis ni Guo.
Sa katunayan aniya, naghain pa ng mosyon si Guo sa DOJ hinggil sa kinakaharap na human trafficking case na inilakip sa kanyang counter affidavit na pinanumpaan sa isang notary public noong Agosto 14, 2024.
Hinihintay pa rin aniya ng DOJ ang official verification mula sa NBI kung ang mga dokumentong inihain ng kampo ni Guo na dokumento ay authenticated.
Patuloy aniyang nangangalap ng impormasyon ang Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation hinggil sa nasabing report. TERESA TAVARES