Home NATIONWIDE Motor tanker bumangga sa ginagawang tulay sa Samal Island

Motor tanker bumangga sa ginagawang tulay sa Samal Island

MANILA, Philippines – Bumangga ang isang motor tanker sa ginagawang istruktura sa Samal Island.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Station Island Garden City, Samal na naglalayag ang MT Toni Dominique 11 sa gilid ng SIDC Davao-Samal Project nang bumangga ito sa pansamantalang tulay na bakal.

Galing ito ng Iligan City, Lanao del Norte patungong Panacan, Davao City nang mangyari ang insidente.

Ang mga tauhan ng Coast Guard ay ipinadala sa pinangyarihan para sa pagsusuri.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang motor tanker ay hindi nagtamo ng major damage at walang palatandaan ng oil spill sa nasabing baybayin.

Nakatakdang magsagawa ng Marine Casualty Investigation (MCI) at Vessel Safety Enforcement Inspection (VSEI) ang Maritime Safety Services Unit-Southeastern Mindanao (SEM) upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Bukod dito, patuloy na sinusubaybayan ng Maritime Environmental Protection Group-SEM ang lugar para sa anumang senyales ng oil spill hanggang sa matapos ang underwater hull inspection. Jocelyn Tabangcura-Domenden