Manila, Philippines – There are times when jokes have to be taken seriously.
Pero kumporme sa biro.
If it’s a positive one na may hatid na good vibes para sa lahat, well and good.
Did you know kung paanong isinilang ang sequel ng Hello Love Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards?
Produced by Star Cinema and shown 2019, HLG was such a mammoth success at the tills.
At siyempre, pag ganoong malaki ang iniakyat ng pelikula sa kabang-yaman ng kumpanya, isn’t it just politically correct na gawan ito ng sequel o Book 2?
Taong 2019 nang ipalabas ang pelikulang umiikot sa kuwento nina Joy at Ethan.
Ideally, naagad sana ang Part 2 nito.
But remember, the year or so after 2019 ay hindi pa uso ang collab between film arms of TV networks.
Four years later–which is 2024–ay plantsado na nga ang sequel ng HLG, however titled Hello Love Again.
Inakalang pang 50th Metro Manila Film Festival ito but it already has a scheduled playdate: November 13.
HLA is a collab between Star Cinema and GMA Pictures.
Pero alam n’yo ba kung paano natuloy finally ang naturang collab?
Siret? Sa biruan!
Sa tuwing nagmi-meeting daw kasi ang mga bosses ng dalawang film companies ay laging inuurutan ni Atty. Anette Gozon-Valdes (of GMA
Pictures) si Carlo Katigbak (Star Cinema).
“Tara, gawa tayo ng sequel ng Hello Love Goodbye,” gasgas nang pagbibiro ni Valdes kay Katigbak.
As in every meeting daw nila’y consistent ang dialogue ng lady executive.
Nagulat na lang daw ang lahat nang tablan ng biro si Katigbak who finally gave a go-signal to the project.
Sa ngayon ay on going na ang shooting ng HLA sa Canada. Ronnie Carrasco III