Home NATIONWIDE 4 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka sa Cagayan

4 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka sa Cagayan

MANILA, Philippines – Nasagip ang apat na mangingisda matapos na lumubog ang bangkang kanilang sinasakyan sa dagat na sakop ng Sta. Ana, Cagayan at Babuyan Claro sa Calayan Island, Cagayan nitong Biyernes, Agosto 16.

Sinabi ni Joe Robert Arirao ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Calayan na nagsimulang pasukin ng tubig-dagat ang bangkang sinasakyan nina Norman Baloloy, 35; Uel Tomas, 36; Reden Dican, 28, at Jonel Nolasco, 34, mga residente ng Babuyan Claro, matapos silang umalis ng Santa Ana.

Nagpalutang-lutang sa loob ng ilang oras ang kanilang bangkang MB Mahoto kung kaya’t nakahingi pa sila ng tulong sa pamamagitan ng cellphone.

Agad na nagpadala ng mga rescuer sa lugar at natagpuan ang mga ito sa dagat malapit sa Barangay Minabel na nasa maayos na kondisyon.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente. RNT/JGC