Home NATIONWIDE DOJ nanindigan, ill-gotten assets ng mga Discaya dapat ibalik

DOJ nanindigan, ill-gotten assets ng mga Discaya dapat ibalik

285
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Prosecutor General Richard Fadullon na dapat ibalik ng mga contractor na sina Curlee at Sarah Discaya ang anumang ill-gotten assets, kung mayroon man, sa gobyerno.

Ayon kay Fadullon, tama lamang na maibalik sa tao ang dapat mula sa mga responsable at gumawa ng krimen.

Sinabi ni Fadullon na binanggit ng mga Discaya ang mga pangalan ng mga personalidad na umano’y konektado sa mga anomaliyang proyekto sa flood control, ngunit hindi ito suportado ng karagdagang ebidensya.

“Ito yung sinasabi nila na magsasabi ng kabuuan or ‘yung tell-all. That is something which they promised but they never did comply with,” sabi niy Fadullon.

Giit pa ni Fadullon, huwag nang gamitin ang isyu ng restitution dahil aniya kung gusto nila magpa-evaluate –sabihin lahat ng gustong sabihin at hindi nagtatago sa likod ng mga imbestigasyon na isinasagawa maliban sa departamento, pagkatapos ay hindi sila magsasabi.

Noong Martes, boluntaryong sumuko si Sarah Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang warrant of arrest laban sa kanya ay ilalabas ngayong linggo kaugnay sa isang P96.5 milyon na ghost flood control project sa Davao Occidental.

Sa tanong kung huli na ba para sa mag-asawang Discaya na baguhin ang kanilang plano hinggil sa kanilang aplikasyon sa WPP, sinabi ni Fadullon na hindi pa huli, ngunit “napahuli na”. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here