Home NATIONWIDE 2 huli sa droga at boga sa Bataan

2 huli sa droga at boga sa Bataan

280
0

MANILA, Philippines – Timbog ang dalawang drug suspek matapos masamsam ang nasa halos P300,000 na halaga ng shabu at isang improvised na baril sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Dinalupihan, Bataan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col. Marcelino Marcos Telloza, kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr., nadakip ang mga suspek na magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa undercover police.

Nasabat sa mga suspek ang nasa 43 gramo ng suspected shabu na may standard drug price na higit P292,000, improvised caliber 22 na baril at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Law at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here