Home METRO Tulak ng droga sa Valenzuela swak sa selda

Tulak ng droga sa Valenzuela swak sa selda

303
0

MANILA, Philippines – SWAk sa selda ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga nang maaresto sa naganap na buy bust operation ng Valenzuela-PNP napaulat kagabi.

Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Sherwin Dascil, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Wendel”, 42, (SLI/pusher) ng Brgy. Pasolo ng lungsod.

Nang magawang makipagtransaksyon kay alyas Wendel ng isa sa mga operatiba ng SDEU, kaagad bumuo ng team si Lt. Dascil bago ikinasa ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU makaraang bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-11:50 ng gabi sa Tagalag Rd., Brgy. Tagalag.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigi’t kumulang sa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at isang P1,000 boodle money at P100 cash.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa laban kay Wendel sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here