Home NATIONWIDE DOJ pinabulaanan na pinayagang makakabalik ng US si Bonoan

DOJ pinabulaanan na pinayagang makakabalik ng US si Bonoan

178
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila pinayagan na makalabas ng bansa o magbalik ng Estados Unidos si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Ayon kay Vida sa panayam ng media, ipinaliwanag niya na ang paglalakbay ay karaniwang isang personal na kalayaan na karapatan ng bawat Pilipino na bumiyahe maliban na lamang kung may proseso ang korte o court order na nagbabawal.

Sinabi ni Vida na base sa nakuha niyang impormasyon ay naglabas na ng precautionary hold departure order noong Pebrero 10 ang Manila RTC Branch 52 laban kina Bonoan, Senador Jinggoy Estrada at iba pang dating opisyal ng DPWH kaugnay ng umano’y flood control scandal.

Binanggit ni Vida na noong unang nagtungo sa US si Bonoan ay nagkaroon ng kaunting problema matapos na hindi makabalik sa orihinal na petsang ipinangako.

Kaya naman aniya humiling ang prosekusyon ng precautionary hold departure order dahil posibleng maging flight risk ang ilang respondent.

“Ang isinulat niya sa amin, nagsabi siya (Bonoan) na mag ta-travel siya diba, so it is not true that. In fact ngayon kailangan niyang magpaalam korte.”

Ang pahayag ni Vida ay kaugnay sa planong pagbalik ni Bonoan sa Amerika para sa surgery ng kanyang asawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here