Home NATIONWIDE DOJ sa kampo ni Rep. Castro: PH legal system, igalang

DOJ sa kampo ni Rep. Castro: PH legal system, igalang

MANILA, Philippines – Hinatulan ng mababang korte na makulong sina ACT Teachers Party-List Rep. France Castro at dating Bayan Muna Party-List representative Satur Ocampo matapos mapatunayang guilty sa paglabag sa Republic Act (RA) 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sa 25 pahinang desisyon ng Tagum City regional trial court (RTC) Branch 2 sinentensyahan sina Castro, Ocampo at 11 iba pa na makulong ng ng mula apat hanggang anim na taon dahil sa kaso ng 14 na batang Lumad children na nailantad sa panganib noong 2018.

Sa rekord ng kaso, pinalakad ang mga bata sa mapanganib na kalsada kung saan may nagaganap na labanan sa pagitan ng militar at New People’s Army.

Inatasan ng korte ang mga akusado na magbayad ng P10,000 bilang civil indemnity at P10,000 sa bawat biktima bilang moral damages.

Ikinagalak naman ng Department of Justice ang naging desisyon ng Tagum RTC.

Hinikayat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang lahat ng partido igalang ang naging hatol ng korte at tumalima sa due process.

“This ruling underscores the commitment of our judiciary to uphold the rule of law and protect the rights of our most vulnerable citizens, especially children.”

Marapat aniya na igalang ng lahat ang legal system at ang mismong batas.

“Any attempt to undermine public trust in our judicial process through inappropriate statements or actions will not be tolerated,” dagdag ng kalihim. Teresa Tavares