Home NATIONWIDE DOJ sa mga magulang: Mga anak bantayan sa paggamit ng internet

DOJ sa mga magulang: Mga anak bantayan sa paggamit ng internet

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Justice (DOJ) ang mga magulang at guardians na bantayan maigi ang paggamit ng internet ng mga bata upang matiyak na hindi sila magiging biktima ng online abuse.

Sinabi ni Justice Undersecretary Felix Ty na siya ring Officer in charge ng Inter-Agency Council Against Trafficking, ang mga magulang ang ‘first line of defense’ sa gitna ng tumataas na insidente ng online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC).

Napakahalaga aniya ng parental monitoring. Bilang mga magulang hindi dapat ipagwalang bahala ang panganib ng internet.

Hanggat maaari aniya ay bantayan ang mga anak sa mga app at websites na binubuksan nito sa internet.

Idinaos kamakailan ng DOJ ang Safer Internet Day for Children Philippines salig sa Proclamation 417 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Pebrero, inihayag ng Council for the Welfare of Children na naharang ng isang telecommunications company ang nasa 900,000 OSAEC websites niyong 2023. Teresa Tavares

Previous articleDBM nagpalabas ng P2.5B sa Free Public Internet Access Program (FPIAP)
Next articleTandem na tulak, laglag sa P87K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust