Home OPINION DOLE NAGHATID NG TULONG-PANGKABUHAYAN SA LGU NG STA. ANA, CAGAYAN

DOLE NAGHATID NG TULONG-PANGKABUHAYAN SA LGU NG STA. ANA, CAGAYAN

290
0

INILUNSAD kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Cagayan Valley Region ang kanilang Serbisyo Caravan sa Sta. Ana, Cagayan, na naghatid ng trabaho at tulong-pangkabuhayan sa mahigit 800 residente nito lamang nakaraang Hulyo.

Ang inisyatiba, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Sta. Ana, ay direktang sumusuporta sa pa­ngako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iangat ang mga marginalisadong sektor at ma­abot ang mga malalayong komunidad sa buong bansa.

Sa pakikipagtulungan sa lo­­kal na pamahalaan ng Sta. Ana, pinangunahan ng DOLE ang pag­­sasagawa ng aktibidad na naghatid ng direktang tulong sa trabaho at kabuhayan sa mga mamamayan nito.

Pinamunuan nina DOLE Regional Director Jesus Elpidio B. Atal, Jr. at Cagayan Field Offi­ce Head Laura B. Diciano ang pamama­hagi ng sahod na may kabuuang halaga na PHP 2.03 mil­yon para sa 440 benepisyaryo ng prog­ramang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

Samantala, 72 manggagawang may kasanayan ang tumanggap ng tulong-pangkabuhayan na nagkakahalaga ng PHP 1.5 milyon sa ilalim ng DOLE In­tegrated Livelihood Program (DILP), na nagpapalakas sa mga pagsisikap na pasiglahin ang lo­­kal na negosyo at ang pagpa­panatili nito.

Nakinabang din sa aktibidad ang sektor ng kabataan, kung saan 200 estudyante ang sumailalim sa oryentasyon ng DOLE Special Program for Employment of Students (SPES), na nagbibigay oportunidad sa mga kabataan na makapag-trabaho upang suportahan ang kanilang pag-aaral.

Bukod pa rito, nagsagawa din ang DOLE Cagayan Valley ng isang mini job fair kasabay ng labor education session, para sa pagtataguyod ng kaalaman sa karapatan ng manggagawa at pamantayan sa paggawa ng mga aplikante at employer.

Ayon kay Regional Director Atal, pinagtibay ng serbisyo ca­ravan ang pangako ng DOLE na direktang paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan.

“Ang Kagawaran ay patuloy na magdadala ng serbisyo, trabaho, at kaalaman sa bawat sulok ng ating rehiyon upang sama-sama tayong makaahon at umangat sa buhay,” pagtitiyak niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here