Home OPINION DOLE, pangunahing serbisyo sa OSH, empleyo at pangkabuhayan – DOLE

DOLE, pangunahing serbisyo sa OSH, empleyo at pangkabuhayan – DOLE

161
0

Kabilang sa mga nangungunang frontline service na napakinabangan ng mga kliyente ng labor department noong 2023 ay may kaugnayan sa occupational safety at health permit, pag­tatrabaho ng mga dayuhan, at mga aplikasyon para sa tulong-pangkabuhayan.

Batay sa Department of Labor and Employment (DOLE) ­Client Satisfaction Measurement Report para sa 2023, ang limang pangunahing frontline service batay sa bilang ng mga kliyenteng pinaglilingkuran ay: (1) aplikasyon para sa Construction Safety and Health Program; (2) aplikasyon para sa Alien Employment Permit (bago/renewal); (3) pagpaparehistro ng establisimyento sa ilalim ng Rule 1020 ng Occupational Safety and Health Standards; (4) aplikasyon para sa proyektong-pangkabuhayan; at (5) pagsasagawa ng Technical Safety Inspection para sa pag-isyu ng Permit to Operate Mechanical Installation/Certificate of Electrical Inspection.

Nagtala ang DOLE Calabarzon ng pinakamataas na bilang ng mga kliyente para sa pag-isyu ng pag-apruba/hindi pag-apruba ng mga aplikasyon sa Construction Safety and Health Program na may 13,828 kliyente, at pagsasagawa ng Technical Safety Ins­pection para sa pag-isyu ng Permit to Operate Mechanical Installation/Certificate of Electrical Inspection sa 8,533 kliyente.

Samantala, ang DOLE National Capital Region ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kliyente para sa aplikasyon ng Alien Employment Permit o AEP na may 57,460 kliyente, pagpaparehistro ng establisimyento sa ilalim ng Rule 1020 ng Occupational Safety and Health Standards na may 8,247 kliyente, at aplikasyon para sa tulong-pangkabuhayan na may 7,542 kliyente.

Sa pangkalahatan, nakatanggap ang Kagawaran ng ‘outstanding’ rating o 99.72% client satisfaction rating sa paghahatid ng serbisyo sa kabuuang bilang ng 166,667 kliyente na tumugon sa survey noong nakaraang taon. Karamihan sa mga tugon o 97.23% ay nanggaling sa mga DOLE regional office.

Nakamit ng DOLE Regional Office 12 ang pinakamataas na client satisfaction rating sa lahat ng pangunahing serbisyo na may average na 99.93%.

Samantala, ang DOLE National Capital Region ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kliyente na may kabuuang 100,238.
Ang DOLE Cordillera Administrative Region ay nakapagtala ng pinakamataas na survey response rate mula sa mga kliyente nito na may kabuuang bilang na 4,687 respondent mula sa kabuuang 5,657 kliyente noong 2023 o 82.85% response rate.

Ipinapatupad ng Kagawaran ang “client satisfaction measurement” upang tiyakin ang kalidad ng ibinibigay na serbisyong pampubliko sa pamamagitan ng patuloy na pagpapabuti ng serbisyo gamit ang service-specific client feedback.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here