Home NATIONWIDE DOLE sa mga employer: 13th month pay ibigay bago mag-Pasko

DOLE sa mga employer: 13th month pay ibigay bago mag-Pasko

MANILA, Philippines – Muling umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa employer sa pribadong sektor na ibigay na ang 13th month ng kanilang mangaggawa, isang araw bago ang deadline na itinakda ng batas.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang departamento, gayundin ang mga empleyado, ay tunay na nagpapasalamat sa pagtanggap ng benepisyo, na kinakailangan sa ilalim ng Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851.

Umaasa si Laguesma na susunod ang mga employer kung ano man ang itinakda ng batas.

“In the spirit of the season, I would not want to make a warning but rather appeal to employers who have not yet paid the 13th month to show an act of love and malasakit to their workers by voluntarily complying with the mandate of the law,” sabi ni Laguesma.

Nanawagan din si Laguesma sa mga empleyado na hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay pagkatapos ng December 24 deadline na ireport sa kanila. Jocelyn Tabangcura-Domenden