Home ENTERTAINMENT Dom, nag-flex ng update, sini-ship kay Andrea!

Dom, nag-flex ng update, sini-ship kay Andrea!

Manila, Philippines- Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng update si Dominic Roque sa mga ganap niya pagkatapos na ma-call off ang engagement nila ni Bea Alonzo.

Kung si Bea ay nag-post ng pinagkakaabalahan niya sa kanyang farm at sa kanyang bagong hobby na padel tennis, same rin ang drama ni Dominic na mega display ng kanyang mga ganap kasama ang kanyanag mga kaibigan.

Sa series of pics, makikitang  kasama ng aktor ang mga katrabaho sa kanyang kumpanya, mga kalaro sa badminton tulad nina JC de Vera at ABS-CBN executive Carlo Katigbak, pati na ang bonding niya sa mga kaibigang sina Khalil Ramos at Gabby Garcia.

Para sa kibitzers, pagpapatunay lang ito na unti-unti nang nakaka-move on ang dalawa pagkatapos ng kanilang napabalitang hiwalayan.

Wala na rin silang photos na magkasama together in the company of their common friends.

Sa pasilip ng actor sa kanyang IG, may caption itong : “Lifeee lately…

Sa obserbasyon naman ng mga Marisol, pakiwari nilaý ay may peace of mind naman ang actor pagkatapos ng kontrobersyang pinagdaanan.

May nang-uurot pa na balik na naman daw ito bilang third wheel sa couples na nakakasama niya.

May isang netizen pa na nagreto sa kanya sa isang babae na nahulaan ng mga Marisol na si Andrea Torres.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Dun kana lang sa babaeng nag-start sa A at nag-eend sa A ang pangalan.”

“Pambansang thirdwheel is back. Hehe.”

“Keep moving forward Doms, you’ll gonna be okay , just trust the process. One day you’ll find the right person deserving of ur ❤️.”

“Laban lng Dom!! ❤

“Bakit wla Ng Bea?”

“Back to third wheel ❤️.”

“Enjoy. Friends are better than gfs.”

“U look happier 😊.”

“Andrea Torres yarn.” Archie Liao

Previous articleSC pinakikilos laban sa political dynasties
Next articleComelec: Mga katanungan sa Cha-cha plebiscite dapat matalakay ‘gang Dis. 15