Home Uncategorized Comelec: Mga katanungan sa Cha-cha plebiscite dapat matalakay ‘gang Dis. 15

Comelec: Mga katanungan sa Cha-cha plebiscite dapat matalakay ‘gang Dis. 15

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang plebiscite questions para sa Charter change ay dapat matukoy sa Disyembre 15,2024 upang matiyak na ito ay isasama sa mga balota para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Ito ang inihayag ni Comelec Chairman George Garcia sa Senate hearing sa gitna ng pagsusulong na magsagawa ng plebisito upang pagtibayin ang panukalang Constitutional amendments at ang 2025 midterm elections ng sabay.

Ayon kay Garcia, sisimulan ang ang pag-imprenta ng mga balota sa ikalawang linggo ng Enero 2025.

Sinabi pa ng Comelec chief na pinaplano nilang maglagay ng hindi bababa sa tatlong pplebiscite questions na masasagot ng “oo” o “hindi” sa harap na bahagi ng balota bago ang mga pangalan ng mga kandidato sa pagkasenador.

Babasahin ng bagong automated counting machines ang sagot sa plebiscite questions.

Kung hindi naman matukoy ang mga plebiscite questions bago ang Disyenbre 15, sinabi ni Garcia na kailangang iutos ang muling pag-imprenta ng balota.

Sinabi naman ni Senator Imee Marcos na maaring magdulot naman ito ng pagkaantala sa deliveries ng balota sa liblib na lugar at maging sa ibang bansa para sa overseas voters.

Sinabi ni Garcia na ang pag-imprenta ng hiwalay na balota para sa plebisito ay maaring maging isang opsyon.

Nilinaw din ni Garcia na ang plebiscite question ay iabbaase sa mga amendment sa charter na itinutulak ng Kongreso o sa pamamagitan ng constituent assembly, at hindi sa controversial peoples’s initiative (PI).

“There’s no more issue as regards the PI plebiscite because again, we permanently, in the meantime suspended the people’s initiative,” saad ni Garcia .

Ayon pa kay Garcia, ang mga signature form ay nasa pag-iingat ng mga local na tanggapan ng komisyon at ang posibleng paggamit nito sa hinaharap ay depende sa interpretasyon ng batas sa People’s Initiative.

Pinayuhan naman ni Senate Minority Leader Aquilin “Koko” Pimentel II ang Comelec na ibalik ang lahat ng dokumento sa kontrobersyal na PI sa mga nagsusulong ito na sinang-ayunan naman ni Garcia.

Hinimok ng poll chief ang mga tagapagtaguyod ng PI na kunin ang mga dokumento at ibalik ang sertipikasyon na kanilang inisyu. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleDom, nag-flex ng update, sini-ship kay Andrea!
Next articleMga Pinoy pinag-iingat vs bogus online recruitment