Home NATIONWIDE Mga Pinoy pinag-iingat vs bogus online recruitment

Mga Pinoy pinag-iingat vs bogus online recruitment

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE)  ang mga Filipino job applicants na maging maingat sa online requirement scams na pinopost sa ibat-ibang social media platforms.

Ayon sa ahenya, maraming mapanlinlang na online recruitment scam ang umaakit sa mga naghahanap ng trabaho na mga job openings na nangangako ng napakataas na suweldo kabilang ang mga walang karanasan sa trabaho.

Ayon kay labor OIC-Assistant Secretary Patrick P. Patriwirawan, Jr na ang modus operandi ay maaring makasira sa malaking bilang ng mga tao partikular na ang mga walang trabaho.

Batay sa January  2024 Labor Force Survey,nasa 2.7 milyong tao na may edad 15 hanggang 30 ang kasalukuyang walang trabaho dahil sa hindi sapat na kwalipikasyon sa trabaho.

Gayunpaman, binigyang-diin ng opisyal na ang pagkakaroon ng mga hakbangin na idinisenyo upang mapabuti ang kakayahang magtrabaho ng mga Filipino job seekers,na may partikular na nakatuon sa Kabataan.

Binigyang-diin din ni Patriwirawan  ang pangangailangan para sa jobseekers na na gumamit ng PhilJobNet para sa mga online job applications dahil ginagarantiyahan ng DOLE ang authenticity  ng mga kumpanyang nag-aadvertise ng mga job openings sa digital platform.

Inirekomenda ng ahensya na maari lamang  makipag-ugnayan sa mga accredited recruitment agencies o mga naaangkop na ahensya ng gobyerno upang maiwasang maging biktima ng mga illegal recruiter. (Jocelyn Tabangcura-Domeden)

Previous articleComelec: Mga katanungan sa Cha-cha plebiscite dapat matalakay ‘gang Dis. 15
Next articleBong Go: Giyera vs lumolobong kaso ng TB paigtingin