Home NATIONWIDE SC pinakikilos laban sa political dynasties

SC pinakikilos laban sa political dynasties

MANILA, Philippines – Hiniling sa Supreme Court ng grupo ng mga abugado na pilitin ang kongreso na bumalangkas ng batas na nagbabawal sa political dynasties sa mga halal na opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa mga petitioner si dating Philippine Bar Association president Rico Domingo, at mga UP Law alumni na sina Attys Wilfredo Trinidad, Jorge Cabildo at Ceasar Oracion.

Ayon sa grupo, malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na tungkulin ng Congress na magpasa ng batas na nagbabawal sa political dynasties.

Nais ng mga petitioner na magpalabas ang Supreme Court ng writ of mandamus para mapilitan ang kongreso na gawin ang trabaho nito.

Anila, may mga mambabatas ang nagtangka na bumalangkas ng anti dynasty bill ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin naipapasa na panukalang batas.

At dahil sa kawalan ng anti-political dynasty law, patuloy na laganap ang political dynasties sa bansa.

Bagaman wala pang partikular na batas laban sa political dynasties, sa ilalim ng Republic Act No. 10742 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, ipinagbabawal tumakbo ang mga kandidato na mayroong kamag-anak na elected official. Teresa Tavares

Previous articlePinoy na nang-carjack sa Honolulu arestado matapos makipaghabulan sa mga parak
Next articleDom, nag-flex ng update, sini-ship kay Andrea!