Home NATIONWIDE Pinoy na nang-carjack sa Honolulu arestado matapos makipaghabulan sa mga parak

Pinoy na nang-carjack sa Honolulu arestado matapos makipaghabulan sa mga parak

NEW YORK — Arestado ang isang 32-anyos na Pinoy ng Honolulu Police noong Linggo matapos umanong tangkaing mang-carjack ng kotse sa lugar ng Ala Moana at magdulot ng kaguluhan sa kalsada.

Iniulat ng Island News na ang pinaghihinalaang aksyon ni Travis Coloma ay nagdulot ng banggaan ng anim na sasakyang  malapit sa intersection ng Ke’eaumoku Street at Kapiolani Boulevard.

Nakuha ng isang concern citizen na si Jodi Asano ang kaguluhan sa video. Sa footage, makikitang tinutugis ng mga pulis si Coloma, na kalaunan ay nahuli kasunod ng isang maikling sagupaan.

Ayon sa talaan ng pag-aresto ng Police Department ng Honolulu, si Coloma ay may ilang nakabinbing mga kaso at may standing warrant of arrest.

Nahaharap ngayon ang suspek sa maraming kaso na nagmula sa insidente noong Linggo, kabilang ang carjacking, reckless driving, at resisting arrest. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang naghihintay ng karagdagang ligal na paglilitis.

Hinihimok ng mga lokal na awtoridad ang sinumang may karagdagang impormasyon tungkol sa insidente na lumapit at tumulong sa isinasagawang imbestigasyon. RNT

Previous articlePagpapalakas ng PH-US alliance tinalakay nina PBBM, Blinken
Next articleSC pinakikilos laban sa political dynasties