Home ENTERTAINMENT Dominic, bet magkaroon ng 8 na anak; Bea, pumalag!

Dominic, bet magkaroon ng 8 na anak; Bea, pumalag!

Manila, Philippines- Not one, not two, not three…but eight!

Ito ang bilang ng mga anak na gusto ni Dominique Roque pag mag-asawa na sila ni Bea Alonzo.

Pero pinalagan ‘yon ng aktres saying: “Thirty five na ako!”

At least, mas realistic ang ina ni Bea na naghahangad ng mestiso’t mestisang anak.
Sa ngayon, ani Bea ay ninanamnam daw muna nila ni Dom ang pagiging engaged.

Nothing is final yet sa kanilang araw ng pag-iisang-dibdib.

Wala pa raw venue, no date either. Kahit nga pagkuha ng wedding planner ay wala.

“Baata nanonood lang kami ng mga wedding videos and watch recent weddings to give us an idea, pero wala pa talaga,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Kasama na rin daw roon what it’s like to exchange I do’s in the beach, strange places like cliff at maging farm weddings.

Since she owns a farm, hindi kaya doon magaganap ang kasal nila ng nobyo?

“Ay, gusto ng mama ko ‘yan! But again, let’s see. Kàsi if we had our way, we’d like an intimate wedding,” sey ni Bea.

Pero mukhang malabo raw nilang ma-achieve ang ideya na ‘yon in consideration of their respective families and friends.

But one thing’s for certain, ani Bea’y hindi raw mawawala sa guest list ang kanyang quintessential screen partner na si John Llloyd Cruz.

With fondness, Bea looks back noong panahong sabay silang nag-mature sa showbiz.

As far as the ninongs and ninangs are concerned, marami na raw ang nagpiprisinta which makes Bea realize na marami raw pala ang nagmamahal sa kanya. Ronnie Carrasco III