MANILA, Philippines – Magtutulungan ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para ayusin ang mga imprastruktura sa EDSA para sa kaligtasan at accessibility ng mga pedestrians at commuters.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing accessible at walkable ang EDSA para sa mga commuter, at pedestrian, lalo na sa mga vulnerable sectors gaya ng persons with disabilities (PWDs), senior citizens at mga buntis.
Kasama ni DPWH Secretary Vince Dizon si Transportation Secretary Giovanni Lopez sa joint inspection sa pedestrian infrastructure sa EDSA ngayong Martes kasama ang mga miyembro ng Altmobility PH at Move as One Coaltion, at ibang civil society organizations.
Sinuyod ng dalawang kalihim ang kahabaan ng EDSA mula Ayala sa Makati patungong Roxas Blvd. sa Pasay.
Nagkasundo sina Secretary Lopez at Secretary Dizon na agad nang gawin ang mga short-term action plan sa EDSA gaya ng pagpapalawak ng pedestrian lanes, pagsasagawa ng shared bike lane at repair stops, pedestrian waiting shed, at pagtanggal sa mga obstruction sa dinaraanan ng mga komyuter.
Ayon kay Dizon, ipinag-utos sa knila ng Pangulo na gawing pedestrian friendly at commuter friendly ang EDSA. Jocelyn Tabangcura-Domenden