Home METRO DPWH: EDSA rehab kasado sa Marso

DPWH: EDSA rehab kasado sa Marso

MANILA, Philippines- Nilalayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ang rehabilitasyon ng EDSA sa Marso 2025.

Sa press conference nitong Biyernes sa MMDA head office sa Pasig City, sinabi ni Engr. Jocel Bolivar, pinuno ng maintenance division ng DPWH na isasagawa ang rehabilitasyon “segment by segment.”

Ani Bolivar, sisimulan nitong isaayos ang southbound lane ng EDSA at inaasahang matatapos ang proyekto sa pagtatapos ng taon.

“Ang amin pong time table is hanggang – try po naming matapos nitong 2025- kasi meron pa tayong ASEAN summit nitong 2026,” wika ni Bolivar.

Inihayag naman ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na magtatalaga ng traffic enforcers upang asistihan ang mga motorista kapag nagsimula na ang rehabilitasyon.

Aminado naman si Artes na nakaamba ang mabigat na daloy ng trapiko kapag sa paggulong ng rehab.

“Yan po ay konting inconvenience, na after naman ay magduudlot ng ginhaa at magpapabilis ng daloy ng traffic sa EDSA so expect po heavy traffic habang ginagawa itong rehabilitation,” ani Artes. RNT/SA