Home METRO Titser, pamangkin todas sa pamamaril

Titser, pamangkin todas sa pamamaril

MANILA, Philippines- Patay ang isang guro at ang kanyang pamangkin nang pagbabarilin sa Lebak, Sultan Kudarat.

Batay sa ulat nitong Biyernes, pasado alas-6 ng gabi nitong Huwebes, habang pauwi ang biktima mula sa pinagtatrabahuhang paaralan at pamangking pumapasok sa nasabing eskwelahan ay sinundan sila ng isang motorsiklo sakay ang gunman na pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Agad binawian ng buhay ang estudyanteng biktima na tinamaan ng bala sa batok, habang sa ospital pumanaw ang tiyahin nitong guro na nasapul sa batok at dibdib.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ng mga awtoridad ang salarin at inaalam ang motibo sa pamamaril. RNT/SA