Home NATIONWIDE DPWH nangako, natenggang Laguna Medical Center building matatapos na sa 2027

DPWH nangako, natenggang Laguna Medical Center building matatapos na sa 2027

121
0

MANILA, Philippines – Nangako si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na makukumpleto na ang konstruksyon ng nabalahaw na gusali ng Laguna Medical Center.

Ang pangako ni Dizon ay kasabay ng pagbisita niya sa naturang ospital kasama si Laguna Governor Sol Aragones.

Ani Dizon, posibleng sa 2027 ay matatapos na ang konstruksyon nito.

Sa pag-inspeksyon, nakita niya na ang gusali ay hindi pa rin natatapos mula 2021 at hindi na napondohan.

Dahil dito, ani Dizon, ay hihingi siya ng pondo mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tapusin ang konstruksyon.

“Maghahanap tayo ng pondo, hihingi tayo kay presidente ng pondo para ma-restart natin ang pagpapagawa nito. Kasi hindi naman ‘to matagal eh. May pundasyon na eh,” sinabi ni Dizon.

“So ang commitment natin, next year tapos na ‘tong building na ‘to. At least makakadagdag ‘to sa hospital beds, makakadagdag sa ward, may bagong emergency room na pwedeng gamitin. So ang laking tulong nito,” dagdag pa niya.

“Naappreciate namin na dito niyo kami unang gustong tulungan sa building ng hospital,” sinabi naman ni Aragones.

Samantala, sinabi ni Dizon na makikipag-ugnayan siya sa Department of Health (DOH) upang masiguro na ang konstruksyon ng bagong Luisiana District Hospital ay pasok sa DOH Level 2 standard para sa mas mabuting healthcare sa mga pasyente.

Ayon sa Department of Budget and Management, ang DOH Level 2 hospital ay dapat na maabot ang lahat ng requirement ng DOH Level 1 hospital, maging ang organisadong staff ng qualified at competent medical personnel at board-certified clinical department heads; general intensive care unit para sa critically-ill patients; neonatal intensive care unit, high-risk pregnancy unit; probisyon ng respiratory therapy services; DOH-licensed tertiary clinical laboratory; imaging facility na may mobile x-ray; at departmentalized at equipped ng service capabilities para suportahan ang board-certified medical professionals. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here