MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa philippine Space Agency (PhilSA) upang palakasin ang pagsubaybay ng infrastructure projects sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng satellite technology.
Nilagdaan ni Highways secretary Vince Dizon at PhilSA officer-in-charge Gay Jane Perez ang isang memorandum of agreement (MOA) nitong Lunes, Nobyembre 3 na magbibigay-daan sa DPWH na ma-access ang satellite imagery at iba pang space-enabled na teknolohiya para sa pagsubaybay at pagpapatunay ng proyekto.
Sa ilalim ng pagtutulungan, ang PhilSA ay magbibigay ng technical support at satellite images na magagamit ng DPWH upang ma-validate at ma-track ang progreso ng kanilang kasalukuyang proyekto.
Sinabi ni Dizon na ang hakbang ay kabilang sa reporma sa DPWH sa gitna ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Noong Hulyo, sa panahon ni dating DPWH secretary Manuel Bonoan, aminado na ang ahensya ay walang monitoring system para sa mga flood control projects lalo na sa mga ipinasok o insertions ng mga mambabatas sa national budget ng hindi sumasailalim sa technical vetting. Jocelyn Tabangcura-Domenden