MANILA, Philippines- Bahagyang napinsala ang tatlong government facilities sa sunog sa Quezon City nitong Martes, April 9, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Base sa BFP, nasapul ang dalawang abandonadong stalls ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at janitorial barracks ng Social Security System (SSS) ng sunog na nagsimula ng ala-1:35 ng madaling araw at naapula pagsapit ng alas-2 ng madaling araw.
“Biglang may nag-spark doon sa may gitna, yung malapit doon sa overpass. Yung properties ng SSS kadikit niya po yung DPWH. Yun, gumapang na unti-unti yung apoy dito, papunta na dito sa barracks ng janitorial services at tsaka barracks ng guwardiya sa amin,” pagbabahagi ni uan Aguinaldo Quezon, security guard ng SSS building.
Inaalam pa ng arson investigators ang mitsa ng sunog at kabuuang pinsala sa ari-arian. RNT/SA