Home HOME BANNER STORY DQ ibinabala ng Comelec sa kandidatong mamamahagi ng ‘di exempted na ayuda

DQ ibinabala ng Comelec sa kandidatong mamamahagi ng ‘di exempted na ayuda

MANILA, Philippines – Muling nagbabala ang Commission on Election (Comelec) ng disqualification cases laban sa national at local candidates na mamahagi ng ayuda nang walang exemption sa komisyon.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ito ay maaring vote-buying o abuse state of resources.

Babala ng poll chief, agad nilang ididiskwalipika kapag ang kandidato ay gumamit ng ayuda o namigay ng ayuda nang walang exemption.

Ang campaign period para sa lokal na mga kandidato ay magsisimula Marso 28 hanggang Mayo 10. Haang ang national campaign period ay nagsimula noong Pebrero 11 at tatakbo hanggang Mayo 10,2025.

Bawal naman ang pangangampanya sa Abril 17 (Huwebes Santo), Abril 18 (Biyernes Santo), Mayo 11 (disperas ng halalan) at Mayo 12 ( araw ng halalan).

Noong nakaraaang linggo, naglabas ang poll body ng certificate of exemption sa ilang social welfare programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa election spending ban para sa Election 2025 kabilang ang P12 bilyong halaga pondo ng Ayuda Para sa kapos ang Kita Program (AKAP)

Ito ay higit pa sa P882 milyon na unang hiniling ng DSWD noong Enero.

Pinaalalahanan ni Garcia ang mga pulitiko at kandidato ng DSWD guidelines para sa pagpapatupad ng AKAP, na kinabibilangan ng pagbabawal sa kanilang presensya at mga kaugnay na materyales sa pamamahagi ng tulong pinansyal.

Inanunsyo din ng Comelec na ipagbabawal ang pamamahagi ng lahat ng uri ng cash asssiatnce (ayuda) 10 araw bago ang halalan sa mayo kabilang ang kontrobersyal na AKAP. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)