ZAMBALES – INIHAYAG ng Police Regional Office-3 noong Huwebes ang pagkakadakip kay Alan Dennis Lim Sytin, na siyang itinuturong utak sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Dominic Sytin, president at founder ng United Auctioneers Inc., sa Subic, Zambales, noong 2018.
Si Alan ay isa sa mga most wanted person sa Central Luzon at may pabuya sa pagkakadakip nito sa halagang P10M.
Sa pinagsamang operasyon ng Royal Malaysia Police noong Sabado ng hapon March 22, nadakip si Alan sa Cobra Rugby Club, Petaling Jaya, Selangor, Malaysia.
Lumutang ang pangalan ni Alan na siyang utak sa pagpatay sa kapatid nito matapos ikanta ng nahuling gunman na si Edgardo Luib.
Nahuli naman sa pinagsamang operasyon ng PRO-3 at 10, ang kasabwat ni Alan na si Edrian T. Rementilla, noong March 22, 2025 sa Iligan City.
Sinabi ni PRO-3 chief Police Brig. Sinabi ni Gen. Jean S. Fajardo na matagumpay na natunton at nahuli ng mga awtoridad si Alan kasunod ng intensive intelligence at surveillance operations.
Pinoproseso na rin ang mga kaukulang dokumento para sa agarang pagpapauwi kay Alan bansa upang harapin ang mga legal na paglilitis.
“This operation highlights the power of international cooperation in bringing fugitives to justice. It sends a strong message that no one can escape accountability, no matter where they flee,” ani Fajardo.
Hinikayat ni Fajardo ang publiko na manatiling mapagmatyag at mag-ulat ng anumang impormasyon sa mga wanted person sa pamamagitan ng hotline o official social media pages nito./Mary Anne Sapico