Home METRO Drug den binaklas, 3 tulak laglag sa buy bust sa Mindoro

Drug den binaklas, 3 tulak laglag sa buy bust sa Mindoro

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga sa buy-bust operation na ginawa sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Kasabay nito ay binuwag din ang drug den sa naturang lugar.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-MIMAROPA ang mga suspek na sina Eulogio L. Caunceran, 47; Jhun Russel Atienza, 25, at Goderick P. Terrenal.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P20,500 at drug paraphernalia.

Pinangunahan ng PDEA ang operasyon sa tulong ng National Bureau of Investigation at pulisya.

Nasa kustodiya na ng PDEA regional office sa Calapan City ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC