Home NATIONWIDE Drug den binaklas sa Batangas; 3 timbog

Drug den binaklas sa Batangas; 3 timbog

1
0
(Image representation only)

BATANGAS — Tatlong katao ang naaresto matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang isang umano’y drug den sa Barangay Aplaya Laiya, San Juan, Batangas nitong Linggo.

Ayon sa PDEA Calabarzon, isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-12:15 ng madaling araw.

Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 10.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,680, gayundin ang iba’t ibang drug paraphernalia.

Pawang residente ng barangay ang tatlong naarestong suspek.

Nasa kustodiya na sila ng mga awtoridad habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here