Home METRO ‘Drug Queen of the North’ tiklo sa Baguio

‘Drug Queen of the North’ tiklo sa Baguio

MANILA, Philippines – Arestado sa loob ng isang fast food chain sa Baguio City ang itinuturing na “Drug Queen of the North.”

Ayon sa pulisya, tinangkang ideliver ng 48-anyos na suspek ang kontrabando mula Manila sa isang undercover agent na nakatransaksyon nito.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P68,000 halaga ng shabu at marked money mula sa suspek.

Nag-ooperate ang suspek sa ilang lugar sa Northern Luzon.

Anang suspek, inutusan lamang umano siyang ihatid ang illegal na droga. RNT/JGC