MANILA, Philippines – Patay ang isang 19-anyos na lalaki at tiyuhin nito matapos silang makuryente sa Hacienda Carugiat, Barangay 13, Victorias City, Negros Occidental nitong Huwebes, Setyembre 19.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang 19-anyos na biktima mula sa Barangay 13, Victorias City, at 60-anyos nitong tiyuhin mula Barangay Pasil, E.B. Magalona, Negros Occidental.
Ayon kay Police Capt. Genus David, deputy chief ng Victorias City Police Station, ang dalawa na kapwa magsasaka, ay naghahanda para sa pag-araro ng kalabaw nang mahulog ang isang live wire at lumapag sa araro.
Nahawakan ng 19-anyos na biktima ang araro saka nakuryente.
Nang mitumba sa lupa, sinubukan naman itong iligtas ng kanyang tiyuhin na nakuryente rin.
Idineklarang patay ng dalawang biktima nang isugod sa ospital. RNT/JGC